Maaari nang lakihan ang kontribusyon sa Pag-IBIG Fund at gawing parang time deposit sa bangko.
Pagkalipas ng limang taon, maaari nang makuha ang ipong may dagdag na interes.
Sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP 2) Program, puwedeng mag-impok ang miyembro ng minimum na P500 kada buwan sa loob ng limang taon.
Ayon sa Pag-IBIG, hindi bababa sa 5% kada taon ang interes ng perang ihuhulog, at puwedeng tumaas pa, depende sa kita ng ahensiya.
Ang minimum na P500 na buwanang hulog, magiging lagpas P34,000 makalipas ang limang taon sa interes na 6%.
Kung P2,000 naman ang kayang ihuhulog kada buwan, papalo sa P139,000 ang maiipon matapos ang limang taon.
Kung malaki ang hulog, malaki rin ang makukubra.
Kapag kuwalipikado na ang miyembro, maaaring kubrahin ang hulog sa Pag-IBIG sa nakalipas na 20 taon at ilipat sa MP 2 para mas malaki ang interes ng ipon pagkatapos ng limang taon.

Comments
Post a Comment