Dalawang lalaki inatake ng pitbull

Nilabas ang isang nakakabiglang video na may isang lalaki na halos mamatay na sa pag atake ng mga pitbulls sa Bronx nung Biyernes.

Ang sesentay dos na si Francesco Bove ay naglalakad nasalubong ang cincuentaycinco anos na si Cynthia Oliver at ang kanyang dalawang aso.

Akala ni Bove na malambing yung mga aso dahil kumakaway ang mga buntot nila, pero nung pinakawalan ni Oliver ang mga aso...

Pinagkakagat ng mga pitbulls si Bove, kinagat siya sa kamay at sa binte, natanggal din ang kanyang taenga. Kinaladkad ng mga aso si Bove sa gilid ng kalsada, buti nalang at may mga nagmalasakit at tumulong.

Pero parang nabaliw na yung mga aso, at kinagat din ang isang lalaki na tumulong. Nung malaman ng pare sa simbahan kung saan nagtatrabaho si Bove, sumugod siya agad para tumulong.

Makatapos ang pitong minuto, binugahan ng mga bumbero ang mga aso ng tubig at natali rin sila sa huli.

Sabi ng mga kapitbahay, marami nang tao ang nakagat ng mga pitbulls. Nakasuhan si Oliver ng assault and reckless endangerment.

Nakabit muli ng mga doctor ang tenga ni Bove at sabi niya ay walang kasalanan ang mga mga aso. Ang mga pitbulls ay dinala sa Animal Care Control sa New York City.

Comments